Richard Gutierrez hindi totoong binabakuran si Solenn sa Survivor

GUSTO naming batiin si Richard Gutierrez sa pagpanalo ng kanyang TV show, ang Planet Philippines at deserving talaga siyang manalo sa Star Awards for TV bilang Glamour Star of the Night.   Ginanap sa bonggang Resorts World sa Paranaque ang nasabing event at sosyal talaga ang lugar kaya lang nagulat kami, sa loob ng venue mismo, nagkalat ang mga batang naka-tsinelas pa man din na nagtatakbuhan while the show was ongoing.

Grabe huh!  May napansin kami sa isang category na nagpasahan ang dalawang presentor ng script at nasa harap pa mismo ng kamera. Kalokah ito!

Balik tayo kay Richard na talagang pinapabulaanan ang tsikang binakuran nito si Solenn Heusaff noong ginagawa pa ang kanilang Survivor Philippines Celebrity Showdown.

Aniya, “Baka tsismis lang ang narinig mo kasi sa Survivor ay wala naman kaming masyadong chance to communicate or even talk with the castaways.  Talagang nakahiwalay sila sa amin kaya imposibleng nabakuran ko si Solenn sa Survivor dahil .., siguro noong huling araw lang talaga kami nagkasama but during the shoot of Survivor bihira ko sila nakausap.”

Nabanggit din ni Richard malapit na nitong gawin ang isang Valentine movie, para sa buwan ng Pebrero.

Inaayos pa ang lahat ng detalye ng gagawing pelikula lalo na hindi pa sila nakakasiguro kung sino talaga ang makakapareha niya dito.

Sa puntong ito, malakas ang bulung-bulungan na posibleng si Marian Rivera muli ang kanyang makakapareha at hindi ang nababalita noong balik-tambalan nila ni Angel Locsin.  Kaya lang gaano katotoo na kailangang ipagpaalam ang aktres sa kanyang syotang si Dingdong Dantes.

VICE GANDA, ADOPTED SON NG DAVAOENOS

Gusto rin namin batiin si Vice Ganda sa pagkapanalo ng kanilang TV show, ang Showtime sa nasabing awards night. Kasama rin sa pagbati sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Kim Atienza at iba pa.

Masayang-masaya siya sa kanyang speech na talagang nagpakuwela ito nang pasalamatan din nito ang  pagkakaroon nila ng isyung ‘suspensyon’ dahil ito ay nakatulong ng pagiging high rating ng programa.

Humirit pa ito, umaasa siya na sa susunod na taon ay makakatanggap pa rin sila ng suspension notice.
Tawanan!

Tuwang-tuwa din siya nang banggitin namin sa kanya ang gagawin nitong series of concert sa Davao City at Roxas City sa November 27 at 28 respectively dahil sa pagiging adopted son siya ng mga taga-Davao.
Ayon sa kanya, hindi pa siya sikat ay talagang pabalik-balik siya sa Davao kaya itong nalalapit niyang  show entitled “Party Party! … Vice Ganda Concert Tour” ay isa itong reunion sa taga-Davao.

Gaganapin ang show sa Central Bank Convention Center at sa Roxas City naman, gaganapin ito sa Capiz Gym.

The show is produced by Madam Pelita Perlita-Uy of Beginning @ 20 Plus Inc in partnership with Moriz Events Plus.  Speaking of Madam Pelita, siya ang produced ng show ni Ogie Alcasid sa PICC entitled OC @ PICC together with Maestro Ryan Cayabyab. Advocacy nito ang tumulong sa mga Pinoy na gustong mag-produce kaya ka-partnership nito ang Moriz for the said events. Alex Datu

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply