Roach kabado kay Pacman

Inamin ngayon ni coach Freddie Roach na hindi malayong makatikim ng pagkatalo si boxing champion Manny Pacquiao kay Antonio Margarito kung hindi magbabago ang direksyon ng kanilang training.

Sa katatapos na panayam ni Bob Simon ng CBS, sinabi ni Roach na nababahala siya sa kulang na pokus ni Pacquiao sa paghahanda para talunin si Margarito.

Ayon kay Roach, hindi siya mapakali sa madaling araw at nag-aalala dahil alam nitong may mali sa preparasyon ni Pacquiao.

“I’m worried about it. Yes, I’m walking around at two in the morning”, ani Roach. “Something is not right and we are not preparing the way we should for this fight”.

Inihayag naman ni Pacman na nakamit na nito ang mga pangarap sa boxing at nais na niyang pagtuunan ang public service.

Matapos magwagi sa boksing, nais ngayon ni Pacquiao na sa pulitika naman maging ganap na champion.

“I already achieved my goals in boxing, my dreams in boxing,” says the 31-yr.old fighter. “What I want to achieve more is in public service…I want to be a champion there”, pahayag ni Pacman kay Simon.

Ang panayam ng CBS sa Team Pacquiao ay nakatakdang ilabas sa Lunes, oras sa Pilipinas ilang araw bago ang laban ng dalawa sa November 14 sa Dallas Cowboys Stadium sa Texas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply