Road user’s tax isasaklolo sa Cagayan

IGINIIT  ni  Sen. Bong Revilla na dapat pondohan ang reconstruction at repair ng mga secondary roads  sa Cagayan gamit ang road user’s tax collections.

“Dito dapat napupunta ang Motor Vehicle Users’ Charge (MVUC),” aniya.

Kasabay nito,  inatasan  ni  Revilla ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na madaliin ang pagkukumpuni sa mga kalsada sa Cagayan Valley na sinalanta ng bagyo.

“Ang mga kalsadang ito ang siyang nag-uugnay sa mga bukid at mga pamilihan.

Kung wala ang mga ito, ang pag-transport ng mga produkto tulad ng bigas, mais at mga tubo sa mga pamilihan at food processing facilities ay lubos na maapektuhan. Ang mga tulong at suporta sa mga naapektuhan ng bagyo ay maaantala din,” ayon sa senador.

Pinuri rin ng senador ang public works department sa mabilis nitong pag aksyon sa pagkukumpuni ng mga pangunahing kalsada na sinira din ng super typhoon “Juan” noong nakaraang buwan.

Sinabi pa niya na dapat lalo pang paigtingin ng departamento ang kanilang repair and reconstruction activities.

Sa kasalukuyan, pitong sections sa Cagayan Valley Region ang sarado dahil sa baha at landslide.

Sa Cagayan, ang Divisoria Bridge sa Cagayan Valley Road, Maguilling Overflow Bridge, Tuao-Orga Bridge at Sarabay Bridge sa Cagayan-Apayao Road at Penge-Ruyu Section ng Tuguegarao Diversion Road ay hindi pa rin nadadaanan. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply