RP mag-iimbak ng petrolyo

INIHAIN  ng isang senador ang panukalang pagbubuo ng Philippine Strategic Petroleum Reserve upang maiwasan na magkaroon ng kakapusan sa produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay Sen. Teofisto Guingona Jr., kinapos ng supply ng LPG ang pamilihan sa unang buwan ng 2009 na siyang nagbigay pahirap sa mga consumer na kailangan pang maghintay ng 2-3 araw para makapamili ng supply.

Sinisisi ng mga malalaking LPG players ang mga refillers na siyang sangkot kung bakit nagkaroon ng kakapusan. Ayon sa kanila, iniipit ang supply matapos mabigong magbigay ang mga importers at refiners ng malalaking bulko ng LPG.

“The LPG shortage last January – February 2009 gives us valid reason to pause and come up with a strategy to ensure that the people’s supply of petroleum products is secure and one of the obvious solutions is to establish a reserve to be used primarily in times of emergency,” ayon kay Guingona.

Sa ilalim ng Senate Bill 159, sinabi ni Guingona na inaatasan ang Philippine National Oil Company (PNOC) na magbigay, mag-operate at mangasiwa o magbuo ng isang joint venture sa ibang partido upang makalikha ng isang stockpile facility para sa pinong produktong petrolyo tulad ng gasoline, diesel at LPG.

Ayon pa kay Guingona, ipinanukala ng Department of Energy ang paglikha ng stockpile facility, ilang taon na ang nakalipas at katunayan, nakikipagpulong na sila sa kanilang counterpart sa US noong 2004 para sa pagsasagawa ng isang feasibility study para sa panukalang oil stock program.

“It is about time that we establish a reserve to be used primarily in times of emergency and to use as well to augment existing supplies in the anticipation and prevention of a shortage,” giit ni Guingona.

Aniya, epektibo ang estratehiyang ito na isinasagawa na ng  bansang US at Japan. Pero, di tulad ng foreign reserves na kinabibilangan ng crude oil, magsisilbi naman ang strategic petroleum reserve ang pinakamahusay sa Pilipinas kung kinabibilangan ito ng refined at ready-to-use petroleum products.

“To put up a strategic petroleum reserve,   PNOC must take into account program management and organization, storage method and location, cost of storage facility, price setting of petroleum products originating from the reserve based on current market standards and other issues,” giit ni Guingona. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply