RP pugs bugbog-sarado sa Asiad

DISMAYADO si Pinoy welterweight Willie Lopez matapos siyang mabigong maduplika ang nagawa nina teammates Victorio at Ray Saludar.

Ito ay makaraang matalo siya sa kanyang Mongolian opponent at nabigong makuha ang bronze medal sa boxing sa Asian Games sa Guangzhou, China .

Si Lopez ay natalo sa kamao ni Otgonjargal Jargal 7-1.

Umiskor ang Mongolian ng first point sa round one taglay ang ten seconds hanggang sa maging agresibo sila pareho.

Ngunit nahanap na ni Jargal ang ritmo ng suntok sa second round at nakakamada ang 4-1 lead hanggang sa final round.

Ayon kay Amateur Boxing Association executive director Ed Picson, nahirapan si Lopez sa sobrang bilis ng mga paa ng Mongolian.

“We have to settle for three fighters in the semi finals” who are the Saludar brothers Victorio and Rey and female boxer Annie Albania,” pahayag ni Picson. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply