RP Smart-Gilas may pag-asa sa semis

MALAKI ang pag-asa ng Smart-Gilas na makapasok sa semifinals ng 16th Asian Games na nakaiskedyul sa Nobyembre 12-27 sa Guangzhou, China.

Ganito ang pagtaya nina Philippine Sports Commissioner Chito Loyzaga at Smart-Gilas coach Rajko Toroman sa idinaos na send-off
rites para sa mga Pinoy cagers sa PhilSports Arena sa Pasig City.

“Dama ko ang malaking tiyansa ng team na makalusot sa semifinal sa nakikita kong sigasig nila sa mga ensayo”, ayon kay Loyzaga, na dating miyembro ng RP team na nakasungkit ng silver medal noong 1990 sa Beijing Games.

Tiyak na sa koponan sina co-captain balls Chris Tiu at Mark Barroca, Greg Slaughter, JV Casio, Mac Baracael, Dylan Ababou, Aldrech Ramos, Japeth Aguilar, Jason Ballesteros, Fil-Am Marcio Lassiter at ang mga reinforcement mula sa Philippine Basketball Association na sina Asi Taulava at Kelly Williams.

Makahahabol pa sina Fil-Am Chris Lutz at Solomon Mercado ng Rain Or Shine na hinihintay lang ang accreditation paper mula sa organizer sa gaganaping managers meeting na idaraos bukas sa Guangzhou, China. RT

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply