Rufa Mae, iwas-pusoy sa naudlot na kasal

HALATANG iniiwasan ni Rufa Mae Quinto na pag-usapan ang tungkol sa pagkakaudlot ng kanyang kasal sa taong ito.

Marami pa naman ang nag-abang sa magiging announcement niya sa Showbiz Central last Sunday pero bigo ang lahat dahil mabilis niyang iniiwasan pag-usapan ang tungkol sa lovelife.

Obviously, wala nang kasalang magaganap kay Rufa Mae at sa kanyang mysterious boyfriend na si Mr M.

Marami tuloy ang naniniwala na hiwalay na sila nito at ayaw na lang niya pag-usapan.

Ang tanong ng masa ay paano na ang bahay na ipinatayo ng kanyang boyfriend sa San Francisco, California na dapat sana nilang titirhan kapag sila ay ikinasal.

Anyway, hindi naman nakitaan ng kalungkutan si Rufa Mae dahil nandiyan naman ang mga kaibigan niya sa Bubble Gang na laging nakasuporta at nagbibigay sa kanya ng payo kapag may problema.

Ngayon Friday sa “BG” mapapa-jejeje ang mga manonood dahil sa espesyal na Jejenews report mula sa makulit at kuwelang Bubble Barkada.

Sa Cheche Bureche, nagpapakabait na nga si Cheche? Pagbibigyan ng malditang si Cheche si Bureche na ito na lang ang magdikit ng star sa kanilang Christmas Tree.

Mahilig ka ba sa UFC? Abangan ang kakaibang bersyon ng bayolenteng larong ito sa TLC kung saan imbers na suntok at sipa, lambing at himas ang ibabato ng mga manlalaro sa isa`t-isa atbp ngayong Friday pagkatapos ng Beauty Queen.

GLAIZA DE CASTRO, BINUBUNTUTAN NG HAPON

Sa fans day ni Glaiza de Castro sa Activity Center ng Star City ay may nakita kaming Japanese guy na aliw na aliw nakikipagsiksikan sa mga fans ng actress.

Napag-alaman namin sa manager ni Glaiza na si direk Manny Valera na tagahanga pala ito ng actress at kahit saan daw may happening ito ay nandoon ang naturang Japanese guy.

Tsika pa ni direk Manny, lagi raw pinadadalhan ng imported na noodle nasa cup na galing pa sa Japan si Glaiza. Kaya pati raw siya ay sangkatutak ang noodle sa opisina.

Mabait naman daw ang naturang guy at close din sa pamilya ni Glaiza dahil lagi nga itong nasa okasyon ni Glaiza para suportahan.

At take note, walang pakialaman ang Japanese guy na tumatayo rin sa harap ng stage habang kinakantahan ni Glaiza ang sangkatutak nitong fans na mga bata, teenager at matanda para makamayan ang kanilang iniidolo.

Samantalang itinanggi ni Glaiza na sila na nga ni Felix Rocco. Dumadalaw daw sa bahay ang actor pero di pa raw niya ito sinasagot dahil nakapokus ang attention niya sa gumagandang showbiz career.

Mas binibigyan daw ni Glaiza ang career kaysa seryosohin ang pag-ibig na naiintindihan naman daw ni Felix

Open din ang magulang ni Glaiza na may umakyat na manliligaw sa kanilang anak dahil nasa hustong edad na naman daw ang actress, kabaligtaran naman sa pananaw ng magulang ni Sarah Geronimo na bawal pa itong ligawan.

Well, talagang maganda ang naidulot kay Glaiza ng teleseryeng Glazilda dahil binago nito ang malditang image ng aktres. Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply