Sa halip na magalit: Dolphy tinatawanan ang ‘pagpatay’ sa kanya

SA HALIP na magalit si Mang Dolphy ay natatawa na lang ito sa naglabasang “pinatay” na naman siya sa balita.

Natatawa na sinabi na huwag naman raw siya madaliin dahil lahat naman ng tao ay doon din patungo, una-una lang daw.

Naalala ni Mang Dolphy nang minsang galing sila sa Hongkong at pag-uwi ng bansa ay nakita niya sa isang tabloid ang screaming headline: “Dolphy is dead!”

Bumili siya at nang buklatin niya ang susunod na pahina, karugtong ang: “Or Alive?”

Sa dami ng ginagawa ngayon ni Mang Dolphy, patunay lang na alive na alive ito at super busy pa sa pagpo-promote ng kanyang album.

Gusto rin ng Comedy King na mag-concert abroad next year dahil nagiging masaya siya kapag napapasaya rin niya ang mga publiko na hanggang ngayon ay avid fans ng nag-iisang Comedy King.

“Kapag nakikita kong masaya ang lahat ng mga taong nanonood sa akin, dobleng kasiyahan ang balik noon sa akin. Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas at sigla para ipagpatuloy ang lahat ng aking ginagawa,” say ni Mang Dolphy.

Natutuwa rin ang Comedy King sa mga kasamahan sa showbiz na patuloy na gumagawa ng paraan para siya maging National Artist.

Sabi nga mas maganda matanggap ang isang prestigious award hangga`t buhay ang tao pagkakalooban nito. Wala na itong silbi kung patay na ang tao pararangalan.

***

Gustong-gusto ni Enzo Pineda panoorin ang laban ni Manny Pacquiao kay Antonio Margarito sa Las Vegas pero hindi siya makaalis ng bansa dahil sa mga showbiz commitment.

Magmula ng maging active sa showbiz ay hindi na siya nawawalan ng appointment. Sa tsikahan namin sa taping ng “Kaya ng Powers” kung saan isa siya sa maincast ng sitcom ay naikuwento niya na ang kaniyang mga bagong project at ang nalalapit na pamamaalam sa TV ng “Kaya ng Powers.”

Tsika niya: “I am featured in Starstudio Magazine this January as one of the upcoming promising stars along with fellow Kapuso Elmo Magalona.

“Nalulungkot ako dahil I will miss the cast and staff of Kaya ng Powers especially ngayon na parang family na kami.

“It was an awesome experience working with the cast, kina Ate Jaya, Kuya Joey Marquez, Ate Rufa Mae at Kuya Bearwin, mga veteran and well-respected artist.

“Pero when a door closes another one opens. I`m looking forward to our dance serye this year. I`ve been taking dance classes every week so I can be better.”

Hindi pa ba niya naipadama kay Rhian Ramos ang tinatagong paghanga sa actress?

Natawa at biglang sinabi na hindi naman raw nawawala ang paghanga niya kay Rhian.

***

Sa sobrang lakas ng segment ng Eat Bulaga na “Juan for All, All for Juan: Sugod Bahay sa Barangay” ay nahihirapan na ang mga staff ng show kung paano kokontrolin ang crowd na dumadagsa araw-araw para mapasama sa nasabing portion.

‘Yun palang mga taong nag-uunahan tumapak sa mga numero para magkaroon ng P500 ( or kapag masuwerte nabunot ang number na tinatapakang numero ay P10K) sa ibang barangay ay nagkakasakitan na ang mga ito at noong minsan ay nauwi pa raw sa saksakan.

Ito ang iniiwasang kaguluhan ng Eat Bulaga kaya binago na nila ang proseso. Hindi na nila agad nilalatag sa kalsada ang mga numero at medyo pinaglalayu-layo na nila ito para maiwasan ang pagkakasakitan at pati na dayaan.

Mayroon kasi na madadaya na nauuna nang pumuwesto sa numero at inaabot na lang ng kanilang pamilya ‘yung bagay na pinadadala nina Vic Sotto at Joey de Leon sa mga contestant.

‘Yan ang pinakamalaking problema ng production staff ng Eat Bulaga kaya para maiwasan na ito ay magpapatupad na sila ng bagong rules.

Kuwela talaga ang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola na siyang sumusugod sa mga barangay para mamigay ng cash prize at mga appliances sa mapalad na matatawagan ni Bossing Vic.

Kaaliw ang pagpapatawa ni Jose na sinamahan pa sila ngayon ni Paolo Ballesteros, pati na ang kanilang nakakatuwang Sugod Bahay Gang. Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply