Sa loob ng 24-oras: 17 volcanic earthquakes naitala sa Mt. Bulusan

MULING na namang nagbuga ng abo ang Mt. Bulusan sa Sorosogon at nakapagtala pa ito ng 17  pagyanig o volcanic earthquake sa nakalipas na 24-oras.

Ayon kay Jaime Sincioco ng Volcano Monitoring Division Chief ng PHIVOLCS, mas mataas ito kummpara sa naganap na pagbuga kahapon na dalawa lamang ang naitala sa kanilang seismograph equipment.

Kasunod nito, muling nagpaalala ang Phivolcs sa publiko na mag-ingat sa posibilidad na pagragasa ng lahar dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.

Sinabi ni Sincioco na kapag nakaranas ng malakas na pag-ulan sa paligid ng Mt Bulusan ay maari umano itong maging sanhii ng pagkakaroon ng lahar flow.

Kaugnay nito, nananatili pa rin aniya sa 4 kilometer permanent danger zone ang kanilang pinaiiral sa paligid at paanan ng bulkan at malayo din umanong mangyari sa ngayon na itaas pa ito sa level 2 at ilagay sa 6 km. ang permanent danger zone.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply