Sa World Robot Olympiad 2010: Ang galing ng Pinoy!

SINONG makapagsasabing hindi kayang makipagsabayan ang mag-aaral mula sa public schools kontra sa private schools sa bansa maging sa ibang mga bansa sa larangan ng Science and Technology (S&T)?

Sa katatapos na World Robot Olympiad (WRO) sa bansa na nilahukan ng 1,200 mula sa 22 mga bansa, hindi matawaran ang mga ngiti ni Vice-President Jejomar Binay nang igawad sa Yellow Submarine Group sa West Rembo Elem. School (WRES) at Tibagan Elem. School sa East Rembo, public schools kapwa sa Makati City, ang ikalawa at ikalimang pwesto.  Ito ang regular na kategorya sa hanay ng elementarya.

Bukod sa isang karangalan ang pagiging host ng Pilipinas sa WRO at dating mayor ng Makati City, ipinagbunyi ni Binay ang naturang karangalan.

“Isang malaking karangalan na manalo ang Pilipinas sa ganitong larangan…dagdag pa dito na ang mga nanalo ay nanggaling sa Makati,” ani Binay sa isang panayam matapos ang kaniyang talumpati bilang panauhing pandangal.

“This only shows that the government is serious in promoting  a S&T culture among the youth. The WRO brings together young brilliant minds, with their creativity, knowledge in mechanics, electronics and software to translate or represent the physical manifestations of information technology (IT),” ayon pa sa bise presidente ng Pilipinas.

Isinagawa ang patimpalak sa SMX Mall of Asia (MOA) at sa Tent City, Manila Hotel ang gawad parangal.

“We believe that the potential among our youth, the students in particular, only needs to be tapped so that they can pursue careers in the fields of science, mathematics and engeering,” ayon kay Sec. Mario Montejo, Department of Science and Technology (DOST).

Ang WRO ay sa pakikipagtulungan ng Science Education Institute (SEI), DOST at Felta Multi-Media Inc., pribadong sektor.

Yellow Submarine Group.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumali ang grupo sa Robot Olympiad.  Kabilang ang tatlong mag-aaral sa Grade-V sa WRES, section-1.  “Dapat may utak ang isang bata, may ‘eagerness to learn new things like invention, makikita mo yung passion niya para matuto ng isang bagay,” ayon kay coach Richard Abines, science teacher.

Jan Paolo E. Flores, 10, bunso sa tatlong magkakapatid.   “Small but terrible” ang batang ito at itinuturing na inquisitive.  “Sa tatlo siya yung palatanong sa grupo,” ani Abines.  Siya ang programmer ng robots.

Ayon kina Conchita Eder , 49 at Carlos Flores, 47, government employee, mga magulang ni Mr. Inquisitive,  kinakitaan na nila ang anak ng hilig sa electronic at robot toys noong maliit pa lamang.

“Lugi nga kaming mag-asawa dyan kasi magpapabili ng robot tapos wawasakin lang then bubuuin niya ulit gamit ang tools gaya ng screw driver.  Blue belter na rin siya sa taekwando at isang sacristan sa simbahan,” pagmamalaki pa ng mag-asawa.  “Hindi rin naapektuhan ang grades niya kahit busy sa training ng robotics.  Katunayan nasa 87 ang grade niya noong 2nd grading.”

“They just started first time training last August this year for the WRO,” dagdag pa ni Mr. Flores.

Vincent Elizer D. Cabillion, 11, panganay sa 4 magkakapatid.  “Creative” o malikhain sa tatlo,  paglalarawan ni coach. Mahilig din sa pag-a-assemble ng robot noong maliit pa ayon sa mga magulang na sina Vicente, 35, security guard, at Elizabeth Cabellion, 32, office staff.  “Kahit abala sa pagsasanay sa robotics dahil sa Olympiad, mabait na bata maging sa bahay ang anak ko.  Nauutusan kahit busy.”

Princess Kate A. Ramos, 11, ikatlo sa magkakapatid. “Industrious” o pinakamasipag sa tatlo ani coach. Ang hilig naman sa computer ang nakagis ng nag-iisang babae sa grupo. “Dati nakahiligan niya ang acting workshop at naging modelo ng Cocoplans.  Pero nung magkaroon ng extra curricular activities sa school, yung robotics training ang napili niya,” ayon kay Mrs. Rosemarie Ramos, 41, simpleng maybahay.  Ang ama ni Princess ay si Jovencio Ramos, 45, OFW.

Sisiskapin ng YSG na maging dalawang grupo na ang kalahok mula sa West Rembo Elem. School sa susunod na patimpalak sa United Arab Emirates, host country sa 2011.

Tour of the Philippines

Ito ang kategoryang nilaro ng mga robot ng YSG.  Binaybay ng robots ang playing field mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.  Naitawid ito ng robots ilang minuto lamang ang layo sa Genesis Group mula sa Korea, na nakakuha ng unang pwesto.

‘Robotics promotes tourism’

Ito ang tema ng ginanap na WRO sa bansa.  Sampung grupo na binubuo ng 56 na miyembro ang kumatawan sa nasabing patimpalak.

Sa kabila ng napaulat na diumano’y banta ng terorismo sa Metro Manila, hindi ito naging hadlang sa mga kalahok sa 22 mga bansa para hindi siputin ng kanilang mga kinatawan.

Dagdag pa dito ang August 23 hostage taking na naging dahilan ng pagkamatay ng 8 Chinese at mismong hostage taker.  Subali’t complete attendance ang mga kinatawan mula sa Hongkong, China, Taipei, Singapore at Korea.

Ayon kay S&T information Institute (STII)-DOST Director Raymund Liboro, maituturing pa rin na ligtas ang Pilipinas sa kabila ng naganap na karahasan at ulat ng umano’y bantang terorismo.

Para sa delegado ng United Arab Emirates, na susunod na country host sa WRO 2011, hindi sila naniniwala na may terorismo sa Pilipinas.

“Otherwise we are not here.  The Philippines is a nice country and the people,” ayon sa ilang delegado ng UAE.

Sa kabuuan nakuha ng  Pilipinas ang dalawang gold at isang silver medals sa katatapos na World Robot Olympiad (WRO) na ginanap sa bansa.

Tom Zhao

Naging center of attraction sa akin ang batang ito pagkatapos ng WRO ‘awarding’ sa Tent City, Manila Hotel.  Tanging siya lang ang batang ‘foreigner’ na umiikot para mamigay ng ‘souvenirs’  Hindi man siya nakapagsasalita ng English, nararamdaman ko na isa siyang magalang at mabait na bata.

Si Zhao ay isa sa lumahok sa WRO, Class2 Grade 5, mula sa Center Primary School, Zhongshan District, Dalian City, Liaoning Province, China.  You’re such a good boy! Hope to see in the next Olympiad.  Thank you for visiting Philippines. Linda Bohol


Leave a Reply

*
ANO BA YAN STD IKAW LAMANG ALBUM SOLD OUT NA AGAD?...
NYAHAHAHAHAHA SUNDAY ALL STARLETS MAG REFORMAT HAH...
NYAHAHA STD GRABE ONE MILLION PCS PALA ANG NABENTA...
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...
TAMA KA GURANG MASARAP PAG USAPAN KUNG SINO ANG NU...
HAHAHA TAMA KA TROY PURITA ANG MGA STARLETS SA KAM...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.