Saludar bagong WBO Asian champ

ITINANGHAL si undefeated young prospect  Froilan “The Sniper” Saludar bilang bagong WBO Asia Pacific Youth flyweight king matapos idemolis si Remuel Obidos ng Benguet sa unang round pa lamang ng kanilang sagupaan sa Imus, Cavite.

Si Saludar, na parang si Floyd Mayweather Jr. kung lumaban ay nagpakawala ng malakas na kanang sapak kay Obidos dahilan upang mapahiga ito na siyang nagtulak kay referee Sammy Bernabe para tapusin ang laban.

Samantala, si WBO Vice President for Asia Pacific Leon Panoncillo na siyang namahala ng laban ay inilarawan
ang bakbakan na napakaimpresibo.

Sa undercard, si John Mark Apolinario ay nagtamo ng majority draw kay Arman Casa, habang si Roberto Udtuhan ay binugbog si Rex Olisa ng Elorde Boxing.

Ang isa pang top prospect na si Jerwin “Pretty Boy” Ancajas ay tinapos si Julius Agcopra sa third round habang si Carlo Suello ay giniba si Anthony Balubar sa unang round.

Si Cerilo Espino ay nanalo naman via disqualification kay Rodney Rafols, habang nanalo rin si Conrado Tanamor sa pamamagitan ng desisyon kay Jaseme De la Cerna at maging si Ivan Soriano ay dinurog din si Wilber Andogan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply