Salvage victim isinako bago itinapon sa ilog

UMALINGASAW ang nakasusulasok na amoy ng bangkay ng lalaki na natagpuang nasa loob ng sako na lumulutang sa ilog ng Tullahan, sa Novaliches, Quezon City.

Inilarawan ni Supt. Ramon Mauleon Perez, ang kalunos-lunos  na biktima na nasa 25 taong gulang,, 5’3” ang taas, katamtaman ang katawan, nakatali ng packaging tape ang mga kamay at may anim na saksak ng ice pick sa likod.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-dos ng hapon, namumulot ang mga bata ng basura sa tabing ilog ng Tullahan nang namataan ang lumulutang na sako.

Nabatid na isang tawag ang natanggap ng naturang himpilan sa isang caller na mayroong natagpuang bangkay sa nasabing ilog na nakapaloob sa sako.

Agad naman na nirespondehan ng mga tauhan ng nasabing himpilan at Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Quezon City Police District (QCPD) at dinala ang bangkay para sa kaukulang awtopsiya ng medico legal.

Inaalam na rin ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang nasabing krimen para  matukoy  ang
kriminal.

Hinala ng pulisya, posibleng sa ibang lugar pinaslang ang lalaki at itinapon ang bangkay nito  sa lunsod para iligaw  ang mga awtoridad  sa imbestigasyon. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply