Salvage victim natagpuan sa Cavite

ISANG lalaki na biktima ng summary execution ang natagpuan na nakabalot ng tape ang ulo hanggang leeg at nakagapos ang dalawang kamay ng electric wire, sa  Sitio Talisayan Road, Brgy. Lapidario, Trece Martirez, Cavite.

Ayon sa report mula sa tanggapan ni Sr. Supt. Danilo Maligalig, Provincial Director ng Cavite Police Office, hindi pa mabatid ang pagkakakilanlan sa biktima, bukod sa suot nitong printed na “PNP Citizens Crime Watch Task Force” logos at initial na “PCRG”, “FPANM”, “CCW-CAMP CRAME”, isang dirty white  six Pocket pants at may tattoo sa magkabilang daliri ng singsing.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Eugene Estrella Baird, ganap na alas 6:00 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na nagsabi na may lalaking natagpuan  na nakatali ang mga kamay at ulo na hinihinalang itinapon lang ng mga suspek sa lugar upang iligaw ang pulisya.

Kasalukuyang nagsagawa ng pagsusuri ang Cavite PNP-SOCO Crime Laboratory upang makilala ang natagpuang sinalvage na biktima.  Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply