Sam Pinto pinagnanasahan ni Sen. Bong Revilla

BILIB kami sa pagiging ultra frank ni Senator Bong Revilla. Minsan kasing dinayo namin siya sa taping ng Kap’s Amazing Stories, tinanong namin siya tungkol sa kanyang leading lady na si Sam Pinto.

Si Sam kasi ay introducing sa MMFF entry ng Si Agimat At Si Enteng Kabisote kaya maraming lumalabas na news items sa kanilang dalawa.

Mismong si Sam naman, very eloquent in saying na maasikaso sa kanya si Senator Bong.  Kumbaga, na-eexcite ang baguhang si Sam dahil nga malaking artista ang kanyang leading man pero lagi siyang inaasikaso at inaaala nito sa shooting ng pelikula.

“Friend kami, bonding kaming dalawa,” pag-amin naman ni Senator Bong.

Heto na nga yung kaprangkahan ni Senador nang sagutin ang tanong kung may desire ba siya kay Sam Pinto.

“Natural lang yun kahit sinong lalaki. Yung ganda niyang yan, pag sinabi kong wala akong pagnanasa kanya, ibig sabihin nun, laos na ko. Sa totoo lang, buhay na buhay pa rin naman ang dugo ko kaya talagang
may pagnansa ako kay Sam. O kahit na kanino pang magandang babae,” sabi pa ni Senador.

Sinagot din niya yung tungkol ay Hayden Kho. Marami nga kasing nakapansin na mabango ang dating sa publiko ngayon ni Hayden. Dami nitong publisidad na tila limot na ng publiko yung mga scandals niya sa mga babae.

“Oo nga, nakalimutan nila, pero ako di ko malilimutan. Hindi siya dapat makaligtas sa batas, dapat na pagdusahan niya.”

&&&

At least, dahil sa Calla Lily, malalagay na sa mapa ng Pilipinas ang San Simon, Pmapanga, Yes, San Simon is a historic town sa eastern part of Pampanga, pero kaunti lang ang narinig na rin about this town.

Not after ther concert of Calla Lily sa bayang ito sa mismong UK Resort located sa Sta. Cruz of this town.  Modern day resort ang UK na pag-aari ni Louie Gamboa na siya ring may-ari ng UK Derm Pharma na gumagawa ng Erase Placenta at marami pang beauty products. Sasabihin na rin naming major sponsor siyempre ng concert ng Calla Lily ang mga produkto ni Louie.

We reitierate, marami ang nag-aabang sa concert na ito at tiyak, dudumugin ng mga taga-kanugnog bayan ang concert na ito. Tickets are at popualr prize na P150 pesos lang.

Sa November 26 na po ang naturang concert sa ganap na alas singko ng hapon.

Louie Gamboa is the tourism czar of San Simon at bukod sa UK City, marami pa siyang mga plano para sa ikauunlad ng turismo ng bayan ng San Simon.

Sabi niya, expect daw a modern but better San Simon na sunod sa tibok ng mga puso sa bagong panahon.

***

Sa November 25 na po gaganapin ang Mutya ng Arayat Beauty tilt. Ito ay sa pangungunga ng beauty impressario na si Efren Torres ng bayang ito. Layunin daw ng pageant na koronahan ang isa sa mga naggandahang dilag sa bayan ng Arayat.

Inaasahang magiging matagumpay ang okasyon at ang mananalo ay magiging representative ng bayan nga Arayat sa darating na Mutya Ng Sinukuwan. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply