Samahan ng mga ospital, apektado ng mga pekeng gamot

Inamin ng isang samahan ng mga ospital sa bansa na apektado sila ng mga naglipanang mga pekeng gamot sa merkado.

Ayon kay Philippine Hospital Association (PHA) Spokesperson at Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) Legal Counsel Dr. Bu Castro, ito ang pinangangambahan nila noong kasagsagan pa lamang ng pagtalakay sa Cheaper Medicines Act dahil concerned sila sa kalidad ng mga inaangkat na gamot.

Tiniyak ni Castro na gumagawa ng hakbang ang kanilang asosasyon para maprotektahan ang kalusugan ng mga mamamayan lalo na sa mga probinsya.

Makikipagpulong din aniya sila sa Food and Drug Administration (FDA) para mas higpitan nito ang pagsusuri sa mga nag-aaplay ng lisensya sa pagbebenta ng gamot.

Sinabi ni Castro na pagpupulungan din nila ang tungkol sa pagpapalabas ng guidelines sa publiko kung saan lang dapat bumili ng mga gamot upang makaiwas sa mga peke.

Una nang iginiit ng Philippine Pharmaceutical Association (PPA) na dapat ituring na peke ang maraming gamot na galing China dahil hindi ito nakarehistro sa FDA.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply