Samar niyanig ng lindol

NIYANIG ng lindol ang Eastern Samar na may magnitude-3.7, Linggo ng gabi.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol bandang 10 p.m. ng Linggo na may epicenter na 41 km east sa bayan ng  Borongan.

Nabatid sa Phivolcs na hindi pa malaman kung saan naramdaman ang naturang pagyanig.

Wala namang napaulat na aftershock at walang pinsalang naitala.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply