Sarah Geronimo, imbiyerna kay Cristine Reyes

IMBIYERNA ang kampo ni Sarah Geronimo kay Cristine Reyes at hindi niya kayang makasama ito sa trabaho.

Hindi daw pupuwede na magtamad-tamaran siya dahil lang sa inis na napi-feel niya kay Cristine.

Propesyunal pa rin ngang maituturing itong si Sarah na kahit imbiyerna kay Cristine at kasama niya sa work ay talagang work to death pa rin siya.

Pero ayon sa aming tsismosang kapitbahay na nagdededmahan at hindi nag-uusap ang dalawa kahit pa magkalapit sila sa isa’t isa.

Feeling kasi ng kampo ni Sarah ay isang anaconda itong si Cristine na inagaw ang kanyang pag-ibig na si Rayver Cruz na kasama din nila sa isang programa.

Hindi maipaliwanag ng kampo ni Sarah kung nagdye- dyeling siya kapag nakikitang sweet ang dalawa. Basta inis siya kapag nakikita si Cristine ayon pa sa ating tsismosang kapitbahay.

Kung pupuwede nga raw na hindi na umapir o mag-iba ng studio si Sarah ay gagawin nito,  kaso malabo nga raw at need na iisang studio lang ang kanilang pagta-trabahuhan.

Aminado raw si Sarah na hirap na hirap siya na ka- work si Cristine. Hindi maitatwa sa itsura ng kanyang face kapag ka-work na niya ang itinuturing niyang ahas,  dagdag tsika pa ng aming tsismosang kapitbahay.

Dinamdam nga raw ni Sarah ang pagkawala sa kanya ni Rayver na ngayon ay na kay Cristine na.

After nga raw ng ASAP ay gravecious na raw ang hindi pansinan ng dalawa na para daw walang nakita sa isa’t isa.

Yun na!

MANNY PACQUIAO, HINDI PA MAGRE-RETIRE SA BOXING

MALABO raw ang iniisip ng ilang detractors ni Manny Pacquiao na magre-retire na ito after ng laban nito kay Antonio Margarito.

Alam kasi ng marami na huling laban na niya itong kay Margarito.

Kaso bigo naman ang ilang mga detractors ng Pambansang Kamao na mag-retire na ito sa boksing.

Bale pang-walong panalo na ito ni Manny sa magkaka- ibang division at ayon sa kampo ni Pacman, may isa pa siyang gustong makalaban at mapatumba sa ring. At kapag nangyari ito ay baka ito na ang maituturing na huling laban ni Pacman.

Bata pa naman daw si Manny at the age of 32 ay kayang-kaya pa daw nitong makipagbasagan ng mukha sa hahamon sa kanya.

‘Yun na!

***

Natutuwa ang gurong si Aniceta na kahit papaano ay humahataw sa kita ang kanilang family business na 14/ 20 K Gold Forever Swarovski Elements.

After nang pagtuturo ni Mam Rojas ay tinututukan pa niya ito at nagtutungo para i-supervise ang ilan nitong branch.

Ang itinatag na negosyo ni Mam Rojas at pamilya ay paghahanda raw sa kanyang pagre-retiro bilang guro, dahil isang taon na lang ay magre-retire na ito. Thankful naman siya na ang itinayo nilang negosyo ay  may bawi din kahit papaano.

Kaya sa mga mahihilig diyan sa mga gold, go na kayo sa 14/ 20 K Gold Forever sa kanilang mga branch sa Market Market-Taguig, Robinson-Imus, Cavite, Robinson-Pampanga City, Gaisano- Osamis City. Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply