Sarah Geronimo totoong nag-primadona sa isang awards night

SAY NITONG Sarah Geronimo, hindi naman daw niya mapi-please ang lahat kaya’t ipagdarasal na lang raw niya ang ilang mga taong nang-ninega sa kanyang career.

Talaga lang ha? Ang ibig sabihin ng young singer-actress ay iniintriga lang namin siya at ng ilang mga kasamahan sa panulat.

Hoy, Sarah G! Kahit kailan hindi kami nagsusulat ng walang basehan. Pang-iintriga ba ‘yang sinasabi mo nang isulat ka namin sa aming kolum sa isang tabloid “I SPY” na nag-primadona ka sa nakaraang 23rd Aliw Awards Night na ginanap sa Fiesta Pavillion ng Manila Hotel kamakailan, kung saan dumating ka ng venue before 12 noon and then nag-rehearse ka pa ng iyo’ng Tagalog medley number. Then after your rehearsal ay umakyat ka na kasama ng entourage mo sa iyong room assignment.

Pagkatapos, 7:00 p.m. nag-start ang awards night pero past 12 midnight ka na bumaba ng venue. Tama ba ‘yun? Ano’ng klaseng attitude ‘yan na alam na alam mo namang marami na ang mga nag-aabang sa iyo sa baba pero anong ginawa mo nag-inarte ka. Dahil, ang feeling mo mga starlet lang naman ang mga naroroon sa venue.

For your information, hindi ka pa ipinaglilihi ng mayabang at hidhid mong madir na si Divine ay mga superstar na sina Claire dela Fuente at Jose Mari Chan, etc. na parehong present sa event na ‘yun.

Siguro, maiintindihan ka namin kung mga 10:00 p.m. ka nasa venue pero hayun at nakaalis na kaming lahat, dahil mag-aala-una ng madaling araw, wala ka pa rin. Saka, huwag mong idadahilan na kasi galing ka pa sa three-day show sa Hongkong. Aba!

Marami tayong mga artista na after ng travel nila diretso na sila sa taping o natanguang show.

Eh, ikaw halos 12 hours kang nagpahinga. Hay, naku! Aminin mo na kasi na nalunod ka na talaga sa isang maliit na drum ng tubig, no!

Feeling mo rin ang ganda-ganda mo halos magkapaos-paos na ang fans mo na sinisigaw ang pangalan mo nang mag-shoot kayo noon ni Judy Ann Santos ng ipinalabas ng “Hating Kapatid” sa Skydome, SM North Edsa, pero anong ginawa mo, tinalikuran mo lang sila at hindi nilingon kahit saglit lang, di ba?

May song kang Lumingon Ka Lang! Kabaliw ka, girl!

BOY AND KRIS, INTACT ANG FRIENDSHIP

Ang tunay na magkaibigan ay parang mag-asawa rin ‘yan. Paminsan-minsan, nagkakaroon nang tampuhan pero bandang huli ay naaayos rin naman.     Like, the case of mag-BFF na sina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino.

Iniintriga sila ngayon na parang cold na sa isa’t-isa dahil minsan na lang makapag-communicate.

Pero, Kuya Boy and Kris proved to all na they are wrong dahil two Sundays ago ay tinupad ni Krissy ang promise nito kay Kuya Boy na darating siya sa birthday celebration nito sa The Buzz at siya pa mismo ang nag-interview sa globally famous friendship na birthday celebrant. Naroon kami sa loob ng studio at ramdam namin ang sincerity ng pagmamahalan ng dalawa.

Malalim na kasi ang samahan ng mga ito kaya’t pinagtibay na sila ng panahon at wala na sigurong puwedeng sumira pa sa friendship nila.

Alam naman siguro ng lahat kung paano isinakripisyo noon ni Kuya Boy ang magandang samahan nila ng matagal na panahon ng kaibigan si Senator Manny Villar para suportahan si Kris at ang candidacy ng presidente na ngayong brother na si Pres. Noynoy Aquino.

Kaya, aside from Kris and P-Noy mahal na mahal si Kuya Boy ng boung Aquino clan especially Kris’s sisters and their late mother ex-President Corazon Aquino. Wala, naman kasi talagang makakapantay sa friendship na ipinakita at ipinadama ng King Of Talk kay Kris.

By the way, dahil sa well-loved si Kuya Boy, nagdagsaan sa studio ang maraming birhtday cakes at regalo. Pero, siyempre kahit na siya ang may birthday ang di nakalimutan ni Kuya Boy na mag-share ng blessings niya sa lahat ng mga tinutulungan lalung-lalo na sa maraming bilang ng kanyang scholars. Mula, dito sa Remate Tonight belated happy-happy birhtday Kuya Boy and kudos!

MGA PAMBATO NG BARANGAY SA JUAN FOR ALL, ALL FOR JUAN NG EB!

Mas, lalo pang pinasaya at pinalaki ang mga pa-premyong cash na ipinamumudmod araw-araw nina Bossing Vic Sotto at sikat na tandem ng Eat Bul aga na sina Wally at Jose kasama ng mga Pap ang SBG, na tagabitbit ng masasarap na pananghalian, malamig na Coke at iba’t-ibang appliances.

Para sa kanilang public service portion na “Juan For All, All For Juan” Sugod-bahay sa Barangay. Ngayon ay hindi lang ang mga tinatawagan ni Bossing Vic sa cellphone at mga sinusugod na bahay nina Jose at Wally, kasama ng apat pang mga ka- residente at 95 katao pang ka-barangay ang puwedeng magwagi araw-araw ng maraming grasya mula sa Bulaga at Coca-Cola.

Win galore rin ng cash prize ang tatanghaling Pambato ng Barangay of the day. Mula Lunes ito hanggang Sabado kaya’t magpakita na ng inyong mga nalalamang talento at baka kayo na ang maging next Pambato ng Barangay. Ang EB Dabarkads ang mga nagsisilbing judges dito at sila rin ang nagdedesisyon sa premyong puwedeng mapanalunan ng lumahok na PNB. Kaya join na! Peter S. Ledesma

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply