Sariling badyet, aprub agad sa Senado

WALANG kagatol-gatol na kaagad inaprubahan ng Mataas na Kapulungan ang sarili nitong badyet kasabay ng gastusin ng Office of the President, Office of the Vice President at Mababang Kapulungan.

Sa marathon budget deliberation kahapon, makupad naman ang pagtalakay sa hudikatura partikular ang pondong gagamitin sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na mas mataas sa dati nitong pondo.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, sa tagal niya sa Kongreso, ito ang unang pagkakataon na dinagdagan pa ng Department of Budget and Management (DBM)  ang hinihinging budget ng isang ahensya.

Tiniyak naman ni Senate finance committee chair Sen. Franklin Drilon na sang-ayon sa batas ang idinagdag na pondo para sa sahod ng mga kawani ng PET.

Lusot na rin ang pondo ng Civil Service Commission (CSC), Commission on Audit (COA), Comelec, office of the Ombudsman, Commission on Human Rights (CHR),Department of Foreign Affairs (DFA) at International Commitments Fund. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply