Seaman kulong

KALABOSO ang isang seaman kahapon ng madaling araw nang hindi ito nakabayad ng ininom na alak at kinaing pulutan sa isang bar sa Navotas City. Nahaharap sa kasong estafa si Sunny Getano, 25, ng Elpha st., Sipac Almacen, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, kamakalawa ng gabi ay pumasok ang suspek sa Gimik KTV Bar sa M. Naval, Dampalit at umorder ng alak at pulutan. Dito nga nagpakalasing si Getano at dakong ala-una ng madaling araw ay umabot na sa P2,149 ang kanyang bayarin.

Nang singilin ay ayaw magbayad ng suspek na naging dahilan upang tumawag ng pulis ang mga kawani ng nasabing beerhouse at siya ay pinadampot. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply