Seaman natagpuang patay sa barko

BANGKAY na nang matagpuan sa loob ng barko ang isang seaman matapos mapagod sa paglalaro ng basketball sa Tondo, Maynila.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si Brucelee Michael Cabatbat, may-asawa, ng Pogo Calasiao, Pangasinan nang ito’y matagpuan.

Sa report ni PO1 Alonzo Layugan, dakong alas-otso ng umaga nang nadiskubreng patay ang biktima sa loob ng Bar AFT 7th floor ng Mary the Queen passenger vessel habang nakadaong sa Pier 8 North Harbor, Tondo.

Ayon kay Rodeo Rollo, 28, binata, pinuntahan nito ang kinaroroonan ng biktima upang hingan ng googles nang mapansin ng kanilang supervisor na nakatihaya ito sa isang foam na higaan habang nakalaylay ang kaliwa nitong kamay sa higaan.

Hindi na rin magising at matigas na ang katawan ng biktima kaya kaagad na ipinagbigay alam sa pulisya ang natuklasan.

Napag-alaman pa na naglaro ng basketball ang biktima kasama ang ilang kasamahan sa isang basketball court sa Moriones mula alas-otso hanggang alas-diyes ng gabi. J. T. Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply