Sec. Baldoz pinabababa sa puwesto ng mga Samahan ng Manggagawa

MAKARAANG mabigo umanong tulungan ang mga miyembro ng Philippine Airlines Employees Association, nanawagan ang labor organizations sa pagbaba sa puwesto ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Hinihingi ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) ang pagbaba sa puwesto ni Baldoz dahil ang desisyon umano ni Baldoz na paboran ang mass layoff ng mga manggagawa sa Philippine Airlines ay isang  anti-worker na magiging hudyat ng kawalan ng job security.

“If we were not mistaken, it was during the time of former President Corazon “Cory” Aquino that Labor Secretary Augusto Sanchez made an honorable exit when he was faulted for a decision that was judged as anti-worker. This time around, Secretary Baldoz came up with a decision that is not only anti-worker but also unconstitutional. All the more that she need not think twice. She is not worthy of being the Secretary of a supposed to be pro-worker government institution and should vacate her post.” Ayon kay Leody De Guzman, pangulo ng BMP.

Sa kabila nito, dinepensahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang desisyon ni Baldoz. Ayon sa DOLE, ang PAL ay isa sa kumpanyang matinding naapektuhan ng global financial crisis. “And it is the management prerogative to do whatever it can to survive,” paliwanag ni DOLE Spokesman Nicon Fameronag.

Idiniin naman ng BMP na paiigtingin nila ang kanilang kampanya upang tuluyan at agarang bumaba sa puwesto si  Baldoz kahit na nagpahayag pa ito ng pagsuporta sa mga manggagawa ng PAL.

“We will not only support the planned strike of PAL workers in the next few days but we will go all the way even to the legal arena of battle. We firmly believe that the DOLE Secretary’s decision will pave the way for more exploitation and hardships for the Filipino workers for such scenario would signal and trigger new trends in the labor sector. Similar situation arose in 1998 when a 10-year Collective Bargaining Agreement moratorium was imposed on the PALEA workers that became a national nightmare.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply