Sec. Lim, pinagre-resign ng TEAM dahil sa DOT slogan

NANAGAWAN ang Toursm Educators and Movers (TEAM) Philippines na magbitiw na sa puwesto si Tourism Secretary Alberto Lim.

Ayon sa grupo, hindi sila naniniwala naniniwala na hindi alam ni Tourism Secretary Alberto Lim ang ginastos ng Department of Tourism (DOT) sa pagbuo ng bagong slogan na ‘Pilipinas Kay Ganda’.

Sinabi ni TEAM Philippines Founding Chairman Consul Bobby Lim Joseph, imposibleng hindi alam ni Lim ang pagpapalabas ng halos P5 milyong pondo sa naturang slogan dahil hindi naman maaaring mag-apruba sa pondo ang nagbitiw na undersecretary ng DOT na si Vicente Romano.

Naniniwala si Joseph na si Lim ang pumirma para mailabas ang naturang pondo dahil umakto lamang aniya si Romano na officer-in-charge (OIC) noong bumabiyahe ang kalihim sa labas ng bansa.

Umaapela aniya ang kanilang grupo kay Lim na magkaroon ng delicadeza at magbitiw na rin sa puwesto.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply