Sec. Lim, walang planong magbitiw

MATAPOS ang panawagan ng ilang grupo na bumaba na sa puwesto, hindi magbibitiw sa kanyang posisyon si Tourism Secretary Alberto Lim sa kabila ng mga pagbatikos sa slogan na ‘Pilipinas Kay Ganda’ at sinasabing panggagaya sa logo nito sa Poland.

Batay sa panayam ng DZMM, sinabi ni Lim na inamin na ni Romano ang kaniyang pagkakamali dahil judgment call niya ito.
Ipinaliwanag ni Lim na sa prinsipyo ng command responsibility, bagama’t kapwa sila nabigyan ng go-signal ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para sa bagong slogan, hindi aniya nangangahulugan na kailangan na rin silang magbitiw sa pwesto dahil konsepto pa lang naman ito at wala pang nagagastos sa creative process.

Tanging nagastusan pa lamang aniya nila ay ang paglulunsad ng slogan.

Aminado naman si Lim na may pagkakamali sila sa paggastos ng halos P5 milyon para lang sa launching ng Department of Toursim (DOT) slogan kaya plano ng kagawaran na magsagawa ng malawakang konsultasyon para kunin ang mungkahi ng lahat ng stakeholders kung anong slogan ang papatok sa mga turista.

Inihayag ni Lim na inatasan siya ng Pangulong Aquino na ipakita sa kaniya ang marketing plan para malaman nito ang mga detalye at maging mas maingat na sa pagpili dahil sensitibong usapin ang national branding.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply