Security officer patay sa riding-in-tandem

Sinisiyasat pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaril at pagkakapatay sa isang security guard ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa Muntinlupa City.

Patay na nang isugod sa Asian Hospital Alabang Muntinlupa ng mga kasamahang security guard na sina Jeremian Federes, at Maria Luz Alvarez, ang biktimang si Estanislao Basig, 44, security officer ng Metroguard Security Agency Corp. residente ng 256 Blk, 7 Kalayaan Avenue, West Rembo, Makati City, bunga ng mga tama ng bala sa katawan. Ayon sa pahayag nina Alvarez at Federes, dakong alas-7:35 ng gabi, naglalakad sila kasama ang biktima, nang biglang dumating ang mga suspek. (J. F. Arasga)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply