Seguridad sa Mendiola hinigpitan na dahil sa protesta

HINIGPITAN na ang seguridad sa Mendiola Bridge malapit sa Malacañang at iba pang lugar  sa Manila kaugnay sa isasagawang protesta at mga rally ng labor groups na itatapat sa Bonifacio Day.

Batay sa report ng dwIZ, idineploy na ng  Manila Police District ang mga  anti-riot police at plainclothes personnel sa Mendiola, US Embassy at iba pang mga lugar na paboritong pagprotestahan ng mga ralista.

Pinaalalahanan naman ni Manila Police District head Chief Superintendent Roberto Rongavilla ang kanyang mga tauhan na pairalin pa rin ang maximum tolerance sa pakikipag-ugnayan sa mga magsasagawa ng protesta.

Nabatid na magsasagawa ng protesta ngayong Lunes ang Partido ng Manggagawa laban sa contractualization sa Rotonda .

Plano rin ng naturang grupo na magmatsa papuntang Mendila bridge kung saan isasagawa nila ang kanilang protesta laban sa contractualization sa Martes.

Ayon sa group kung nabubuhay pa si Andres Bonifacio, pangungunahan nito ang isang rebolusyon na babatikos laban sa imperyalismo at contractualization.

“If Andres Bonifacio were alive today he will no doubt lead a revolution against imperialist globalization which is the root of contractualization,” ayon kay PM chairman Renato Magtubo sa isang blog site.

“The Filipino way of life should be a regular job that provides decent wages, substantial benefits, security of tenure, decent working conditions and the freedom to have a voice and representation in the workplace through a union. If jobs are regular and there are no contractuals, it will truly be Pilipinas Kay Ganda,” ayon pa kay Magtubo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply