Seguro inilunsad para sa OFWs

Minaliit lang ng mga dambuhalang insurance company ang akusasyon ng ilang mga employer sa Hongkong ang bantang hindi na kukuha ng manggagawang Pinoy bunga ng panibagong pagbabayad sa seguro para sa mga kukuning overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kina Melecio Mallilin, pangulo ng Philippine Charter Insurance Corporation (PhiCharter) at Alfredo Tumacder, Jr. ng Cocolife Assurance Corporation (Cocolife), napakaliit lamang na halaga ng premium ang kinakailangan bayaran ng mga employer  kung ikukumpara sa kasipagan at kagalingan ng mga OFWs na kanilang kinakalap.

Nauna nang inilunsad ng dalawang insurance company ang compulsory insurance coverage na inilaan sa mga OFWs na naaayon sa inamiyendahang probisyon ng Section 23 ng R.A. 8042  na mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipino Acts of 1995. Ipinaliwanag ng mga opisyal ng dalawang kompanya na aabot lamang ng $72 dollars sa loob ng isang taon ang babayaran ng mga employer o ng recruitment agency sa bawa’t manggagawang kanilang makakalap na sakop hindi lamang ang accidental at natural death kundi pati na ang permanenteng pagkakabalda. (Johnny F. Arasga)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply