Sekyu natagpuang patay

INIIMBESTIGAHAN ng Manila Police District (MPD) ang  pagkamatay ng isang 31 anyos na security guard na natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto, sa Tondo, Maynila.

Hinihinalang may ilang oras nang patay bago natagpuan ang biktimang si John  Garo Damaso, may-asawa, isang Muslim, tubong Pangasinan, at residente ng Aplaya, Blk. 8, Baseco compound, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO2 Lester Evangelista, dakong alas-6:30 ng umaga nang nadiskubreng patay ang biktima sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto.

Ayon kay Daniel Mamako, 32, security guard at kapitbahay ni Damaso, isang kasamahan sa trabaho ng biktima ang nagtungo sa kanilang bahay upang alamin kung bakit dalawang araw na itong  hindi pumapasok sa trabaho.

Sarado ang kuwarto ng biktima  kaya nagmagandang loob si Mamako na puwersahang buksan ang pintuan kung saan tumambad sa kanila ang biktima na nakahiga subalit patay na.

Sa imbestigasyon ng pulisya, walang nakitang anumang palatandaan na pinahirapan o sugat sa katawan ng biktima kaya hinihinalang binangungot ito.

Tumanggi naman ang pamilya para isailalim sa awtopsiya ang biktima bilang respeto sa tradisyun ng isang Islam. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply