Semento isisingit sa gloves ni Margarito

Sinagot na ni Robert Garcia, ang chief trainer ni dating world champion Antonio Margarito, ang patutsada ni trainer Freddie Roach na gumamit ng armored gloves sa laban kay Manny Pacquiao.

Sa ikalawang episode ng Pacquiao-Margarito 24/7, ipinapakita doon kung papaano balutin ni Garcia ang kamao ni Margarito.

Pero sa kalagitnaan ng hand wrapping activity ng trainer ni Margarito, lumabas ang isang miyembro ng Team Margarito bitbit ang bloke ng semento at saka nagtawanan.

Ang nasabing gimik na semento ay nangangahulugang hindi sila apektado sa armored gloves ni Roach.

Pinapaalala rin ng naturang insidente ang ginamit noon na plaster of paris ni Margarito sa laban kay Shane Mosley kung saan sinuspinde ito.

Kasabay nito, inihayag ni Garcia na napag-aralan na nilang mabuti ang tapes ng huling tatlong laban ni Pacman kina Miguel Cotto, Oscar De La Hoya at Joshua Clottey.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply