Senado, live na sa Internet

MAAARI nang mapanood sa Internet ang nangyayaring deliberasyon sa loob ng session hall ng Senado.

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, pangunahing nagsulong ng live streaming, mahalagang makita ng mga mamamayan kung anuman ang ginagawa ng kanilang mga mambabatas.

Ginagawa na rin ito maging sa ibang lugar katulad ng New England, Arizona, New York, Amerika at Canada, ayon kay Pangilinan.

“Live streaming of the House and Senate proceedings is recognized in other states and/or countries such as Vermont in New England, Arizona, New York, Colorado, Oregon, Oklahoma, Montana and Arkansas in the United States and in Canada,” sabi ni Pangilinan sa kanyang resolusyon.

Ang live streaming ng Senado ay maaaring mapanood sa www.senate.gov.ph.

Naniniwala rin si Pangilinan na dahil mismong ang publiko na ang makakapanood sa ginagawa ng mga senador, maiiwasan na ang mga kalituhan sa mga isyu.

“It is a known fact that most of the times, issues and discussions raised during the plenary sessions and committee hearings and meetings are misinterpreted which cause…confusion to the public,” sabi ni Pangilinan.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply