Shalani type din ni Jinggoy Estrada

SUPORTADO ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang desisyon ng kanyang dating kasintahan na si Valenzuela Councilor  Shalani Soledad na maging co-host ni Willie Revillame sa kanyang programa sa “Willing Willie” sa TV5 pero, type din ito ni Sen. Jinggoy Estrada.

“Sana ang hakbang na ito ay magpalapit sa pagtamo niya ng kaganapan kung saan siya tunay na masaya. He hopes that her decision could contribute to her fulfillment na sana maging masaya na rin po siya sa naging desisyon niya,” wika ng Pangulo.

Kaugnay nito, inamin ni Senate Pro-tempore Jinggoy Estrada na malakas ang hatak sa publiko ni Soledad dahil sa taglay nitong ganda at husay sa pananalita.

Bilang isang actor, iginiit ng mambabatas na pwedeng maging artista si Shalani at first choice niya ito bilang  leading lady sa kaniyang susunod na gagawing pelikula.

“Meron siyang K (karapatan), may karapatan na mag-artista,” pahayag ni Estrada sa panayam  sa Senado. “Eh kung sa susunod na pelikula ko, magandang kunin ni Shalani.”

Samantala, wala namang nakikitang masama ang Malakanyang kung abala ngayon ang Pangulong Aquino sa pakikipag-date.

Binata naman ang Punong Ehekutibo kaya’t walang masama kung makipag-date ito sa ibang babae lalo pa’t libre at wala naman siyang masasagasaang damdamin sa bagay na ito.

Sa ulat, nauugnay ngayon si Aquino sa ibang babae partikular sa kanyang stylist na si Liz Uy, na kaibigang matalik ng bunsong kapatid ng Pangulo na si Kris Aquino. Kris Jose/Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply