Shifting sa oras ng klase sa Bulusan ipinatupad

PALITAN ang oras ng klase ang ipinatutupad ngayon sa mga paaralan sa Bulusan makaraang gawing evacuation center ng mga pamilyang naaapektuhan ng pagbuga ng abo ng Bulusan Volcano sa Sorsogon.

Ayon sa radio report ng dzBB, ipinatupad ang bagong oras ng klase partikular sa Gallanosa National High School sa bayan ng Irosin.

Ginawang panandaliang tuluyan ng mga naninirahan malapit sa bulkan ang pitong classroom ng naturang paaralan.

Shifting din ang oras ng pagpasok sa Cogon Elementary School, Bolos Elementary School, Guruyan school, at Sangkayan School.

Nabatid na nagpamudmod ang mga lokal na opisyal ng  4,000 face masks para sa mga estudyante at guro roon.

Nananatili namang nakataas ang Alert Level 1 sa Bulusan simula pa noong Nobyembre 6.

Patuloy pa ring pinapaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko na iwasang pumunta sa 4-km permanent danger zone upang maging ligtas ang lahat.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply