Showbiz docu na Dumagat sa Festival Asean 2010 iniintriga

ANG awards night kahit sa ibang bansa ay masalimuot at maintriga.

Tulad na lang nang nilahukan naming Festival of Photos, Documentary Films and Reportage on ASEAN countries and people, Vietnam 2010.

Ginanap ang awards night sa Au Co Art Center sa Hanoi, Vietnam noong Linggo.

Napiling isa sa mga 20 finalists ang aming showbiz documentary film na “Dumagat, Aborigines of the Philippines, Nomads of Southeast Asia” mula sa 70 sumaling documentaries mula sa iba’t ibang bansa ng Southeast Asian Nations.

Binigyan kami ng plane ticket ng mga organizer mula sa Ministry of Information and Communication ng People’s Republic of Vietnam para makadalo sa awards night kaya wala sa panahong nagtungo kami sa Hanoi.

Nakasalamuha namin ang iba pa naming mga kalaban sa timpalak mula sa Malaysia, Cambodia, Laos, Vietnam, Myanmar, Singapore at Indonesia.

Ewan kung bakit wala roon ang mga kinatawan ng Thailand at Brunei Darussalam o kung sumali rin sila o hindi.

***

Gayunman, nakapiling din namin sa aming apat na araw na pakikipagpatalamitam sa mga katunggali at sa mga hurado bago ang gabi ng parangal.

Ayon sa programmer ng Pusan International Film Festival sa South Korea at prodyuser ng Chungeorahm Films na si Cho, Pock-rey, ang isa sa mga hurado, gustung-gusto niya ang aming trabaho at hindi nga siya makapaniwala na US$20 o P10,000.00 lang ang nagastos namin para roon samantalang daan-daan at milyun-milyong dolyares ang ginasta ng iba sa paggawa ng kanilang mga dokyumentaryo.

“I gave high score to your film,” pahayag ni Cho isang araw pagkatapos ng awards night nang papunta na kami sa Noi Bai Airport sa Hanoi.

“You and the Myanmar entry,” dagdag pa ng propesor o visiting professor ng pelikula sa Beijing University.

“But the other jurors, they didn’t like your film so you just got a consolation prize,” sabi ni Cho nang buong pagbubulgar.

***

Nang magtungo naman kami sa Ha Long Bay ay sinabi ni Pock-rey na dapat kaming magpasalamat sa kanya at kay Bui Dinh Hac, isang otsenta anyos na filmmaker na lalaki mula sa Vietnam, dahil sila ang nakipaglaban para mapasama ang aming entry sa top 22 slots.

Ayon sa mga interpreter, si Bui ay itinuturing na People’s Artist o Filmmaker sa Vietnam.

Hindi ipinakilala ang iba pang jury bagamat ang nasa isip namin ay ang mga opisyal ng Vietnam ang iba pang naghurado.

“You are a very brave man,” paulit-ulit na sinasabi ni Cho sa amin.

“And that is fantastic. You are able to do your film in US$20 dollars. And you did the shoot for one day only. That is unbelievable,” paulit-ulit na pahayag ni Pock-rey sa iba’t ibang pagkakataon.

Naalala namin kasing ang wakas ng aming dokyu ay rally ng mga Dumagat habang may teatro sa tabi na may gumaganap na Birhen Maria at Jose kasama ang sanggol na si Hesukristo sa parang inayos na sabsaban na natatabingan ng mga dahon ng saging.

***

Pinupuri ni Cho ang kagalingan ng Myanmar documentarist at irerekomenda niya ito na magdirek sa kanyang kumpanya sa Korea.

Marami nang napuntahang international film festival si Pock-rey at katatapos lang niya sa Pusan at patungo naman siya sa Beijing, China para sa Beijing International Film Festival ngayong Nobyembre at Disyembre.

Maraming alam si Cho sa pelikulang pandaigdig at nais niyang tumulong sa mga bagong dugo o kaya naman ay kahit na beterano na pero may kaibang kuwento.
***

Samantala, namatay na ang batikang showbiz photographer na si Felix Espinosa sa Pampanga noong Biyernes ng umaga pero iniuwi siya sa Maynila at kasalukuyang nakahimlay sa Funeraria Oro sa G. Tuazon Street sa Sampaloc, Manila.

Namatay rin ang tatay ng sikat na miyembro ng Masculados na si Bok Inciong.

Nakalatag naman ang mga labi ng ama ni Bok sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Chapel sa Parañaque City. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply