Si Pacman at ang ginto ni Engelberto Rivera

Hindi pa humuhupa ang kagalakan ng mga Pilipino sa buong mundo sa pagkapanalo ng pambansang kamao at pambansang inspirasyon na si Manny Pacquiao. Paulit-ulit na laman pa rin ng balita ang pagdurog ni Manny kay Antonio Margarito.  Ang saya-saya nating lahat.

Ibang klase talaga ang Pacman ibinida na naman kasi ang Pilipino sa buong mundo. Sikat na naman tayo.

Pero malungkot ang sitwasyon ng mga atleta natin sa kasalukuyang 16th Asian Games na ginaganap sa Guangzhou, China.  Habang sinusulat ko ito ay 4 pa lang yata ang medalyang nakuha natin sa bowling at dance sports, isa lang ang ginto na nakuha ni Engelberto Rivera sa bowling, lahat bronze na lang.

Sayang na sobra ang suporta ng lahat kay Manny Pacquiao samantalang ni wala yatang TV coverage ang Asian Games.  Ni wala yatang ingay tungkol sa ginto ni Rivera, isa na nga lang.  Hindi lang naman sa boxing pwede sumikat ang Pinoy.

Noon ngang mga nakaraang Asian Games kung humakot tayo ng ginto hindi na rin nakakahiya. Sa billiards, sa chess, kahit sa wushu pumoporma tayo. Ano na ang nangyari. Tatakpan na lang ba natin ng kasikatan ni Manny ang kaawa-awang performance ng ating mga atleta sa mga Asian Games?  Paano pag retired na si Pacman?

Magdasal tayo umangat naman sa iba, na sa sariling pagsisikap at kakayahan ay nakukuhang mag-isang iwagayway ang ating bandila sa mga sports arena sa ibang bansa, gaya nga ng ginawa ni Manny?

Anong klaseng sports development program ba meron ang Aquino government, kung meron man.  Noong nasa Council pa ako ng Quezon City ay sinisikap naming maging aktibo ang pagsuporta sa mga sports activities sa lungsod, sa tulong na rin ng Philippine Sports Commission, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sports equipment, kadalasan mga bola sa – basketball, volleyball, football – sa mga public schools at mga barangay.

Pinangunahan din natin ang isang programa, kasama ang Philippine Councilors League of the Philippines, na tinawag nating piso para sa atletang Pilipino. Oo at maliliit na mga hakbang ngunit kumikilala sa kahalagahan ng pagbibigay ng suporta sa mga atletang Pilipino.  Pero hindi dapat ganito lang.

Kailangan natin ng honest to goodness sports development program na national government ang nagsusumikap magsulong.

Masaya man tayo sa pagkapanalo ni Pacman at dahil sa kasikatan na kaloob nya sa Pilipinas, nakakahiya pa rin ang tila pagwawalang-bahala natin sa mga atletang pinadala natin sa China.  Ni hindi yata nag-comment man lang ang Pangulong Aquino tungkol sa Asian Games, ni hindi yata sya tinatanong kung ano ang mensahe nya para sa ating mga atleta na nagtungo sa China dala ang bandila ng Pilipinas.

Mas nagkomento pa si Noynoy tungkol kay Liz Uy, ang napapabalitang dine-date nya ngayon. Nakakalungkot.

Pero pwede pa naman natin baguhin ang lahat, iangat naman sana ng bansa ang suporta sa atletang Pilipino.
Pwedeng gawin itong adbokasiya ni Congressman Manny Pacquiao.

Sana ang kasikatan at halos walang kasukat na tagumpay ni Pacman ay maging inspirasyon para naman mabigyan pansin na natin ang iba pang atletang Pilipino na nangangailangan ng suporta ng sambayanan. Ariel Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply