Sikat na ex-MBA cager swak sa illegal gambling

Nahaharap sa kaso na illegal gambling ang dating sikat na basketball player sa Metropolitan Basketball Association (MBA) na taga Bacolod City.

Kinumpirma ni Bacolod City Police Office director S/Supt. Celestino Guara Jr., na kinasuhan na nila si Maui Huelar, dating player ng Negros Slashers kasama ng tatlong iba pa at isang abogado.

Si Huelar at sina Dodoy, Nick Cuadra, Russel “One Ball” Javier at Richard Tacleon ay itinuturo na financier ng illegal numbers game sa Bacolod City na jai-alai.

Habang si Atty. Pedro Diamante na kanilang legal counsel ay sinampahan din ng kasong obstruction of justice.

Ayon kay Guara, matagal na ang surveillance ng mga pulis sa grupo ni Huelar na nagta-transmit ng resulta ng jai-alai gamit ang fax machine sa isang hotel sa lungsod.

Noong isang gabi ay nagsagawa ng operasyon ang mga pulis at nahuli ang mga ito.

Samantala, habang nasa police station ang apat ay dumating si Atty. Diamante at humiling ng pabor sa mga police na kakausapin ang kanyang mga kliyente.

Ngunit hindi namalayan ng mga otoridad ay kanya pala itong pinasakay sa sasakyan at pinatakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply