Silva vs Kyle sa UFC

TINANGGAP na ni Mike Kyle (18-7-1 MMA, 2-2-1 SF) ang alok na pumalit kay Valentijn Overeem (28-25 MMA, 0-0 SF) para labanan si heavyweight Antonio Silva (14-2 MMA, 1-1 SF)  sa Linggo sa card ng “Strikeforce: Henderson vs. Babalu” event.

Ang laban na ito ay bahagi pa rin ng Showtime-televised main card na gaganapin sa Scottrade Center sa St. Louis.

Napilitang umatras si Overeem dahil nagkaroon ito ng elbow injury.

Si Kyle ay may taglay na five-fight streak win sa laban at 8-1 record sa huling sampung fight na sinabakan niya.

Nangako naman siya na masisiyahan ang mga tao sa kanyang performance dahil gagamitan niya ng pressure ang katunggali.

Inaasahang sasagupain naman niya sa Pebrero sa susunod na taon si dating Strikeforce light-heavyweight champion Gegard Mousasi.  Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply