Simon PBA POW awardee

Tinanggap na ni Peter June Simon ang papel niya bilang backup ni top gunner James Yap.

Ang B-Meg Derby Ace guard ay napatunayan na naman ang galing matapos itanghal bilang PBA Press Corps’ Player of the Week mula Nov. 8 hanggang 14.

Nagawa ito ni Simon matapos magpasabog ng average na 29 points bagama’t marami silang pinagpiliang kandidato para sa POW honor.

Aminado rin si coach Jorge Gallent na ang 30-anyos na tubong Makilala, Cotabato ay malaki ang naitulong sa three-game winning streak ng Llamados. (Gilbert Perdez)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply