Simpson, durog kay Muñoz sa UFC

NAITAAS  muli ni UFC Pinoy warrior Mark Muñoz ang bandila ng Pilipinas matapos itong sumikwat ng decision win laban kay Aaron Simpson sa kanilang sagupaan sa UFC 123 kahapon sa Palace of Auburn Hills.

Walang pinagkaiba ang galaw ng dalawa dahil kapwa sila dating NCAA wrestlers kaya naman ay nakatutuwang panoorin ang grappling abilities ng dalawa.

Gayunman, nangibabaw si Munoz dahil sa tindi ng mga atake at marami ring natirang lakas sa katawan.

Nauwi ang sagupaan sa unanimous decision na 29-28 sa lahat ng cards.

Si Munoz ay may kartadang 9-2, 4-2 UFC sa middleweight habang si Simpson ay nalugmok sa 7-2, 3-2 UFC.

Sa main event, nanalo si Quinton “Rampage” Jackson laban kay Lyoto Machida sa isang split 29-28, 28-29, 29-28 decision kung saan ginamit ng una ang kanyang pagiging agresibo sa huling bugso ng laban habang si B.J. Penn ay nangailangan lang ng 21 seconds sa pagdurog kay Matt Hughes. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply