Sindikato sa badyet ibinabala ng Palasyo

BINALAAN ng Malakanyang ang local government units (LGUs) na mag-ingat sa ilang sindikatong nagpapanggap na konektado sa Gabinete ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, pinapaniwala ng sindikato ang LGUs na kaya nilang pabilisin ang pagpapalabas ng pondo ng mga farm-to-market roads.

Sinabi ni Abad na computerized na ang proseso ng fund releases kaya’t walang dahilan para idaan pa sa mano-manong proseso na iniaalok ng sindikato.

Kaya nga agad na umapela si Abad sa publiko at sa LGUs na agad i-report kung may mga taong nagpapakilalang tutulong sa pagpapalabas ng kanilang pondo.

Una nang naaresto ng PNP-CIDG ang dalawang fixer na nakilalang sina Salgado San at Rose Gepita Diola. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply