Siya nawa!

KAMAKAILAN lang ay pumanaw ang isang barangay tanod na si Danilo Leonardo o mas kilala sa tawag na Tano. Bago siya mamatay ay nagkaroon ng hinanakit ang yumao sa bagong kapitan ng San Andres, Cainta, Rizal na si Joe Ferrer.

Papaano ba naman hindi sasama ang loob,  kauupo pa lamang ni kapitan ay gusto na niyang sibakin ang mga barangay tanod na bumoto sa kalaban nito na si Bert Sicat. Susme!

Labis itong dinibdib ni Tano. Sama ng loob na binaon niya hanggang sa huling hininga.

Ayun kasi ang isa sa layunin ni Ferrer nang hindi pa muling nahahalal. Na mawala ang mga kumakalaban sa kanyang mga plano!

Tama ba itong ginagawa mo, tserman Ferrer? Dapuan ka naman sana ng konsensiya sa iyong katawan. Ngayon nakaupo ka na ay mayroon bang magbabago? Baka naman tulad pa rin nang dati na parang kabuti na bigla na lamang susulpot sa iyong nasasakupang barangay.

May mga balita rin na kaya lang daw nanalo itong si Ferrer, ay dahil malakas raw siya kay Mayor Mon Ilagan. Kumbaga kapit tuko siya kay yorme. Ay, ‘sus ginoo! Kaya naman pala!

Mayor,  gaano ba ito katotoo?

Tanong ko lang? Tunay nga bang napagsilbihan ng maayos sa iyong panunungkulan ang mga taga-Felix?

Kung lilingon ka lang, makikita mo ang santambak na problema sa barangay na ‘yan!

Ang isa pang problema, may nakapagbulong sa atin na kapag sumusuweldo ang mga tanod ay walang presyo ang kanilang pinipirmahan na papeles.

Muli, gaano katotoo ito? Nagtatanong lang, tserman Ferrer!

Si Kuya Danny ay nakaburol ngayon sa kanilang tahanan at inaalam pa kung kailan ang paghahatid sa kanyang huling hantungan.

Para po sa mga kaanak ni Kuya Danny, nakikiramay po ang inyong lingkod sampu ng aming mga kaanak. Dahil sa totoong sapul pa noon ay kaibigan na sila ng aming pamilya.

TELL IT TO THE MARINES!

Nagmamaang-maangan pa ang transport group na kaya raw kokonti ang mga bus na nagbiyahe noong Lunes ay dahil sa hindi raw pumasok ng maaga ang mga drayber at karamihan sa mga ito ay wala raw mga cell phone.

Sino ang niloko n’yo? Lolo ninyo?

Malabo pa sa plastik na talagang sinadya ninyong hindi pumasada para sakalin itong si MMDA chairman Francis Tolentino.

Susme! Hindi na po paslit ang taumbayan para gaguhin ng ganito!

TIPC ITINATAG

Upang lalo patatagin at pagandahin ang relasyon ng mga manggagawa at negosyante, itinatag ang Tripartite Industrial Peace Council (TIPC) sa Caloocan City.

Kasama sa mga napiling maging opisyal ay si Teddy Zamora, II bilang vice-chairman ng Management Sector habang ang mga miyembro nito ay sina Christy Estacio, Lourdes Agustin, Nida Sañano, Pamela Mallari at Rolando Jermino, Jr.

Para naman sa labor sector, napiling vice-chairman si Angel Gamboa at ang mga miyembro naman nito ay sina Roland Jermino, Jr., Dario Torregosa, Marivic Garcia, Adrian Casili, Antonio Juguilon at Teresita Leonor.

Maganda ang ganitong mga proyekto!

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomaly sa inyong paligid, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply