SK kailangan nang buwagin

MINSAN nang giniit ng espasyong ito ang pagbuwag ng Sangguniang Kabataan.

Simple lang naman ang dapat na gawin. Ire-repeal lang ng Kongreso ang Sections 423 hanggang 439 ng RA 7160 o Local Government Code (LGC).

Naisiwalat na natin ang maraming kapalpakan/kapaltusan ng organisasyong SK sa ilalim ng nabanggit na batas.

Taliwas/baligtad sa inaasahan ng may akda ng LGC ang naging resulta. Imbes na makatulong ang mga SK member sa paglutas ng mga suliranin ng kani-kanilang barangay, naitulak sila’t nasanay tuloy sa mga kawalanghiyaan at kabuktutan ng mga ma-gulang/ka-mag-anak nilang mga pulitiko rin at may hawak ng lokal na kapangyarihan doon.

Kaya ang  mga  batang ito lalo na ang  SK chairman  at kanyang mga kagawad ay lumalaking POTENTIAL MONSTERS sa pulitika sa kani-kanilang lugar, pag-dating ng panahon.

Eksperto na rin sila sa vote-buying, voter-hoarding (na kung tutuusin ay KIDNAPPING), pagpa-pa-tongpats kaugnay ng implementasyon ng SK projects, at  kung ano-ano pang election-related frauds/practices.

Sa katunayan, mas matindi ang vote-buying noong nakaraang SK eleksiyon, dahil naging mas MAHAL ang bilihan dahil kokonti lang ang lumahok/bumoto sa halalan nila kung ikukumpara sa halalan ng barangay officials.

Ikinatutuwa ng Rapidfire ang pagsang-ayon ng Obispo ng Legazpi City sa panawagan nating i-abolish na ang SK.

Heto ang pahayag ni Bishop Joel Baylon sa isang pastoral letter na may petsang Oktubre 29, 2010 at na-email niya sa mga media organization sa Metro Manila:

“The SK should already be abolished because it had be-come a corrupting influence on the youth. “Even parents of SK candidates were pushing their children to bribe other young voters to get their votes.”

Dagdag pa ni  Bishop Baylon:

“With leaders like these, what kind of future do we have in store for our country? xxx.

“There is a clear need for youth representation in gover-nance xxx. There is a definite need for their political empowerment. But NOT in the manner or form of the current SK.”

Tumpak si Bishop Baylon.

Kaso lang, pakinggan kaya siya, mga Bok, ng ating mga buwaya sa Kongreso na pati kamag-anakan nilang mga kabataan, o mga anak ng mga kaalyado nila sa pulitika, ay ginagamit sa pagsakote ng limpak-limpak na salapi na inilaan para sa mga proyekto ng bayan?
Sana naman hind maging isa na namang “cry in the wilder-ness” ang panawagan ng butihing Obispo.

Youth of the land, wither thou goest? Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply