Smart-Gilas binigo ng Japan team

NABIGO sa ikalawang pagkakataon ang Smart-Gilas Pilipinas na masungkit ang panalo sa ginanap na 16th Asian Games Basketball competition sa Huangpu Gymnasium sa Guangzhou, China nang masalisihan ng Japan team sa iskor na 58-60.

Sumablay ang running jumper ni JV Casio sa last quarter.

Ang pangalawang pagkabigo ng RP Nationals ay nangangailangan ng panalo sa India at sa Chinese-Taipei ngayon para makasulong sa quarterfinals.

Ang tiyansa ng Smart-Gilas ay depende sa crossover quarterfinals sa kalalabasan ng resulta ng huling 2 laro ng Qatar (2-1) laban sa Japan (3-0) at Iran (2-1) samantalang ang Chinese-Taipei ay mananatiling makapapasok kapag nakalusot sa laro nito laban sa Iran at sa Smart-Gilas Pilipinas.

“Napakahirap subalit pipilitin naming maangkin sa pangatlong posisyon,” ito ang dalangin ni RP coach Rajko Toroman na nagsabing napakahirap masungkit ang pangatlong pwesto sa grupo dahil  masasabak sila sa powerhouse na Korea.

Ang Japan team ay binanderahan ni Takumi Ishisami na pumuntos ng 16 at Kasuke Takeushi na bumuslo ng 11 kabilang ang tatlong rebounds habang ang Pinoy dribblers ay pinangunahan nina Marcio Lassiter ng 13 at Kelly Williams na bumuslo ng 12 na dinagdagan ng 10 ni Casio. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply