Smart-Gilas makikipag-banggaan sa Iran

Matapos magpakitang gilas sa knockout stage papasok sa main draw ay nakatakda namang makipagbanggaan ng katawan ang Smart-Gilas Team Pilipinas sa mapanganib na Iran ngayong gabi sa nagaganap na men’s basketball 16th Asian Games sa Guangzhou China.

Lumanding ang men’s Nationals sa group F matapos kaldagin ang Kuwait 76-69 upang makasama sa grupo ang mga bansang Qatar, Japan at Chinese Taipei.

Kumpiyansa naman si Coach Rajko Toroman na papasok ang kanyang mga bataan sa quarterfinals pagkatapos ng kanilang asignatura sa preliminary round.

Kikilatisin ng Gilas ang Iran sa ganap na 9:30 sa kanilang unang laban sa main draw na gaganapin sa Huangpu Gymnasium.

Nahirapan ang team Pilipinas na manalo nang magpakita ng magandang laro ang mga Kuwaitis.
Sa huling canto bumira ang Smart Gilas upang ma-lusutan ang mga katunggali.

“It’s tough to play that game. We’re overeager maybe because the pressure was heavy on us,” sabi ni team captain Chris Tiu. (Elech Dawa)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply