Snatcher sa Parañaque at HSBC credit card

NASAAN ang mga pulis sa Paranaque City sa araw ng Sabado at Linggo?

Tinatanong natin ito, mga Bro, sa harap ng sumbong ng mga biktima ng mga snatcher malapit lang sa Baclaran Church.

Walang pinipiling oras ang mga tatantadong snatcher na ito at wala ring Bacla-Baclaran Church sa mga ito.
Pero ang pangunahing dahilan ay ang kawalan ng pulis na magbantay sa mamamayan sa lugar.

Heto ang isang klarong halimbawa.

Mismo pa sa sakayan ng mga pasahero sa FX ginagawa ang snatching.

Nagaganap ito sa harapan ng gusali ng Chateau at malapit sa White Bird.

Isinasabay ang snatching sa mga sumasakay na pasahero. Karamihan sa mga iniisnatsan ang mga babae na hindi kaagad makasigaw dahil sa kabiglaanan at takot.

Sa pagtakbo ng mga snatcher, nababangga pa nila ang iba pang mga pasahero.

O Sr. Supt. Alfredo Valdez, hindi na kailangang pumunta sa iyong tanggapan ang mga biktima para magreklamo.

Nagtitiwala sila na sa pamamagitan ng pahayagang ito at sa katapatan ninyo sa tungkulin ay lutasin ang kawalan ng pulis at ang snatching sa nasabing lugar.

oOo

Ituloy natin, mga Bro, ang kuwento ukol sa ninakaw na HSBC Mastercard.

Naging biktima rito si Cristina Monsanto, assistant supervisor ng high school department ng Chiang Kai Shek College, Manila.

Nobyembre 7, 2009, Sabado, alas 12:47 nang manakaw ang nasabing credit card ni Monsanto. Makaraan ang masusing paghahanap, napagpasyahan na niyang iulat sa HSBC ang pangyayari dakong 1:40 ng hapon.

Tinanggap ng isang call agent representative ang tawag at kasabay nito ang pagtatanong ng biktima kung may gumamit na sa credit card. “Wala” ang sagot ng representative at nagtanong na rin ito kung gustong “i-block” ni Monsanto ang lahat ng transaksyon kaugnay nito. Siyempre pa, sumang-ayon ang biktima.

Para makasiguro si Monsanto, nagtanong ulit siya kung may gumagamit na sa credit card at sinabihan siya ng representative na “declined” ang transaksyon.

Pero pagdating ng Lunes, nang muling tumawag si Monsanto sa HSBC, nagulat siya na may gumamit na pala sa card sa SM malls.

Inireklamo niya ang apat na beses na pamimili ng magnanakaw sa SM gamit ang kanyang card.

Pagdating ng Disyembre, nakalima na ang magnanakaw. Tatlong beses na nagshopping spree ang kawatan sa SM Department Store sa Manila at dalawang beses sa SM Department Store sa Quezon City. (Itutuloy)

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply