Sobrang drug addiction, dedma lang sa pulisya

SA Ternate, Cavite raw ay malala na ang bentahan  ng shabu at ang kapulisan doon ay parang wala raw pakialam sa mga nangyayaring drug addiction sa nasasakupan nila.

Hindi ko lang alam kung  bakit hindi kumikilos ang pulisya para masugpo ang lumalalang drug addiction sa naturang bayan.

Hindi ko sinasabi na may “patong” sa drugs ang kapulisan ng Ternate.

Nagtataka lang kasi ako sa pulisya sa Ternate kung bakit hindi sila kumikilos.

Ang lagay e, hehehehe.

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo sa text message.

Gud pm, Sir Johnny. Concerned lang ako. Huwag na lang ninyong ilagay ang cellfone number ko sa diyaryo ninyo. Kasi malala na rito sa  aming lugar sa Ternate, Ca-vite  ang shabu.

Parang wala nang paki-alam  ang aming mayor at ang kapulisan ng Ternate. Ang dami nang kabataan at  mga katandaan ang nagugumon sa pagsa-shabu rito. Hindi kumikilos ang kapulisan dito para masugpo ang lumalalang drug addiction sa Ternate, Cavite. Salamat po!

SCALAWAG COPS NG RIZAL PADER KAY PD

Bukod sa pagiging tong-collector sa iba’t ibang iligal na pasugalan sa lalawigan ng Rizal ay nagsisilbi ring  operators ng mga video-karera sina SPO1 Nomer Reymundo at SPO4 Rudy Abion na kapwa naka-assign sa Rizal Provincial Police Office (PPO).

Bilib ako sa dalawang tulisang pulis na ito ng lalawigan ng Rizal.

Kahit mga vertical ang trabaho ng mga kolokoy na ito ay hindi sila sinisibak ni Rizal PD Sr/Supt. Manuel Cezar Prieto.

Palibhasa ang dalawang ito ay kapwa mga tauhan ni Supt. Marlon Balonglong.

Di ba ex-Sec. Puno?

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply