Special court sa Ampatuan massacre giit

IGINIIT ng ilang senador na pabor sila kung lilikha ang Supreme Court (SC) ng special court para sa paglilitis sa kaso ng Maguindanao massacre para mapabilis ang paghahatid ng hustisya sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen, partikular ang miyembro ng media.

Sa magkakahiwalay na panayam, pabor sa naturang kahilingan sina Sen. Francis Escudero; Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.

“Mas mapapabilis kapag may special court kasi iisa lamang ang tinututukan na kaso at walang sagabal o hindi makakasagabal sa iba pang kaso na hawak ng korte,” giit ni Escudero.

Para naman kay Cayetano, mas magiging maganda ang daloy ng paglilitis kung bubuo ng special court ang korte katulad ng special criminal court na nilikha noon sa panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na lubhang naging epektibo sa pagbibigay ng katarungan sa mga maseselang krimen.

Samantala, naghain na rin ang National Press Club (NPC) ng  petisyon na humihiling na magkaroon ng special court na tututok  sa kaso ng Maguindanao massacre.

Ayon kay NPC President Jerry Yap, layon nito na mapabilis at agad maresolba ang kaso para mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng karumal-dumal na krimen.

Sinabi rin ni Yap na habang tumatagal ang pagdinig sa kaso ay mas nadaragdagan ang paghihirap ng mga kaanak ng mga naging biktima ng masaker kaya nararapat na madaliin na ang pagresolba rito.

Ginugunita ngayong araw ang unang anibersaryo ng Maguindanao massacre na kumitil sa 58 katao na mahigit sa 30 ay miyembro ng media. Ernie Reyes/Theresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply