Special election sa Basilan pinaigting ang seguridad

MAS pinaigting pa ang seguridad para sa gaganaping special elections sa darating na Sabado kung saan nagpadala na ng dagdag puwersa ang Philippine National Police (PNP) sa Al-Barka, Basilan.

Ayon kay Basilan Provincial Director Sr/Supt. Cristeto Rey Gonzalodo, tinatayang  100 pulis mula sa 9th Regional Public Safety Batallion Augmentation Force ang kanilang idineploy sa Basilan para makatulong ng Philippine Marines sa pagbabantay ng halalan.

Ayon kay Gonzalado, ilang pulis din ang magsisilbing Board of Election Tellers (BET) matapos madiskwalipika ang ilang mga guro sa lugar dahil sa pagkandidato ng kanilang mga kamag-anak.

Matatandaang nagkaroon ng failure of election sa naturang lugar noong Mayo 10 kung kaya’t magsasagawa muli ng eleksyon para sa provincial board members ng Basilan at municipal officials naman ng Bayan ng Al Barka.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply