Sports Tourism

Natuwa ako na may panukala na si Manny Pacquiao “Pacman” ang maging poster boy ng turismo sa Pilipinas. Konsehal pa ako ay sinulong ko na ang Sports Tourism sa QC. Sinulong ko ang QC vs. the World Billiard tournament at ang QC Chess Road Show kung saan sa mga tourist spots sa QC ginawa ang laban ni Grandmasters Eugene Torre at Joey Antonio.

Hindi lang si Pacman ang pwede magpasigla ng turismo sa Pinas. Andyan si four-time bowling champion Paeng Nepomuceno. Ang mga billiard champs Efren “Bata” Reyes, Dennis Orcullo, Django Bustamante at Ronnie Alcano.

Pwede din tayo mag spearhead ng water sports at maipakita natin ang kagandahan ng mga beaches sa bansa, sa Boracay, Bohol, Cebu, Palawan at kung saan-saan pa.

Totoo na marami pang mga lugar sa Pilipinas na magagandang destinasyon at marahil ay malaking tulong na ang mga sikat na sportsmen natin ang magpasikat, magpakilala at tumulong para sa pag-angat ng turismo sa bansa.

Mungkahi din natin na sana ay pangalagaan ang mga atleta. Hindi habang panahon na sikat at malakas sila.

Malaos man sila sa larangan ng palakasan, dapat ay lagi nating maalala ang ibinigay nila na karangalan sa Pilipinas.

Sino pa nga ba ang nakakaalala kila Olympic medallists Onyok Velasco, Serrantes, Villanueva, etc. Bihira ang Olympic medallist na Pinoy. Sabi nga ni Kobe Bryant na mas mabigat para sa kanya na ipanalo ang USA sa Olympics. Ngayon nga sabi nya ay gusto pa rin nya maglaro sa 2012 London Olympics.

Malaki ang potensyal sa turismo ng Pilipinas kung gagamitin ang mga sikat na atleta bilang mga promoters nito lalo at magaganda ang kwento ng buhay ng ating mga atleta at totoong pwedeng maging inspirasyon sila hindi lang ng mga Pilipino kundi ng sino man na magka-interes bumisita sa Pilipinas.

Sa ngayon dapat ay samantalahin ng Pilipinas ang sobrang kasikatan ng Pacman. Siya bilang poster-boy ng turismo ay makaka-enganyo ng maraming interes at maraming atensyon sa Pilipinas.

Kung naipanalo daw ni Pacman ng kanyang endorsement ang isang Senador sa Amerika, isipin na lang kung ano ang magagawa nyang tulong sa bansa kung magsasalita sya sa buong mundo tungkol sa kagandahan ng minamahal nyang bayang Pilipinas at hikayatin ang ibang lahi na isama ang ating bayan sa mga balak nilang puntahan bilang mga turista.

Hindi lang yun, dahil sa pagpapakita ni Pacman ng labis na pagmamahal sa bayan, mahihikayat din ang marami nating mga kababayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo hindi lang para bumisita muli sa bansa kundi para tumulong din kay Pacman na maging tourism ambassadors na ang natatanging dahilan ay ang inspirasyon ng ipinakitang kabayanihan ni Pacman sa pagtulong sa bayang Pilipinas.

Mag-text po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa 09215186724. O kaya ay email sa: ariel.inton@gmail.com. Ariel Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply