Spurs nilampaso ang Hornets

NANGIBABAW ang bagsik ni Manu Ginobili sa panig ng San Antonio habang hindi naman nakaporma si Chris Paul kaya nagiba ng Spurs ang New Orleans Hornets sa iskor na  109-95.

Tinambakan ng San Antonio ang Hornets ng 17 points ngunit nakahabol ito at muntik pang makatabla.

Ayon kay Ginobili, gumana naman ang kanilang puwersa sa ilalim dahilan upang manalo sila.

Pati aniya ang game plan nila ay umubra na nagtulak sa kanila tungo sa panalo.

Hindi rin naman nakagana ang makinarya ng Toronto Raptors nang pabagsakin ng Atlanta Hawks, 96-78, habang tinalo rin ng Utah Jazz ang Los Angeles Clippers sa iskor na 102-96.

Mistulang kinalawang naman ang Detroit Pistons nang pataubin ng New York Knicks 125-116 sa kanilang double-overtime victory.

Samantala, hinagupit ng NBA si Cavaliers’ coach Byron Scott ng halagang $35K bilang multa matapos umanong batikusin ang reperi sa laro kung saan natalo ang grupo sa Orlando Magic noong Sabado sa iskor na 110-100.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply