Sta. Claus cops bawal sa Metro Manila

Mariing ipinagbawal ni National Capital Region Police Office o NCRPO Director Chief Supt. Nicanor A. Bartolome sa buong kapulisan sa buong Metro Manila ang magsuot ng Santa Claus at ipagbabawal din ang solicitation sa ilang mga establishimento sa buong Maynila.

Ayon kay Bartolome, kanyang sisibakin ang sino mang lalabag sa derektiba ng pambansang kapulisan.

Ayon pa sa pinuno ng NCRPO, kanyang pagtatrabahuhin ang ilang mga Admin Pulis upang magsagawa ng patrolya sa ilang mga matataong lugar na kung saan maglalaan ng dalawa hanggang tatlong oras bago matapos ang kanyang pag-duduty.

Inaasahang maglalagay pa ng karagdagang isang libong mga pulis upang ipakalat sa buong Metro Manila partikular na sa mga matataong lugar gaya ng Cubao, Divisoria, Monumento, Alabang, Baclaran at mga malalaking malls sa kalakhang Maynila.

Ang naturang paghahanda ng NCRPO ay bunsod na rin sa nalalapit na Kapaskuhan kung saan panahon ng pagdami ng mga masasamang elemento gaya ng panghoholdap.

Kaugnay nito, simula sa unang araw ng Disiyembre, mag iikot din si Bartolome upang personal na masiguro ang seguridad sa mga mall at matataong lugar sa kanyang nasasakupan gaya ng MTR, LRT at ang tatlong paliparan sa himpapawid sa Paranaque.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply